Senate Hearing

 Nagkaroon ng hearing ang mga mambabatas kasama na rin ang Ex President na si Rodrigo Roa Duterte. Binigyan diin dito ang di umano Extra Judicial Killing na naganap  sa programa ni Ex President Rodrigo Duterte. Nagkaroon ng mga maaanghang na pagpapalitan ng salita sina Senator Risa Hontiveros at si Ex President Rodrigo Duterte sa kadahilanang pagkakapatay umano ni Carl Anthony na di umano napatay dahil sa misidentity. Kinewestiyon rin ni Senator Risa Hontiveros si Ex President Rodrigo Duterte kung bakit mga maliliit na tao lamang ang kanyang mga napatay at hindi napatay ang mga malalaking sindikato o mga druglords. Nagbigay rin si Ex President Rodrigo Duterte ng isang napaka controversial na statement na mas pipiliin nya pa raw na patayin nalang ang mga addict kaysa ikulong at pakainin pa raw ito ng gobyerno.

Napaka rami naman ng inilantad ni Ex president Rodrigo Roa Duterte sa natapos na senate hearing. Isa na rito ang Death Squad sa Davao City ng siya ay naka upo pang mayor ng lalawigan na ito. Ang Death Squad ay ang mga matataas na ranggong pulis na naatasang manguna sa war on drugs sa panahon niya. Pangalawa naman ay ang pag sabi niya ng isa raw sa naka upong senador ay dati ring miyembro ng kanyang Death Squad pinangalan niya rin ito, Ang tinutukoy niyang tao dito ay si Senator Bato Dela Rosa.

Sa aking pananaw mas marami pang mga issue na mas dapat pa lalong pag tuunan ng pansin ng ating pamahalaan isa na rito ang kahirapan, napaka raming Pilipino ang hirap na hirap sa buhay dahil na rin sa kawalan ng trabaho. Sunod ay Kakulangan sa trabaho, dahil sa kawalan ng trabaho ang mga ito ay nahihirapang maka survive sa isang araw. Sa aking mga kababayan mas pagbutihin pa natin lalo ang pagboto ng mga taong mangunguna sa atin para sa pagbabago.

Comments

  1. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  2. Mahusay ang pagkakagawa, at maari pa itong mag improve sa susunod niya pang gagawin at naibahagi nang maayos ang mga nilalaman nito!

    ReplyDelete
  3. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  4. Naging malinaw naman ang paglahad ng blog, siguro mas mag-iimprove pa ito kung naglagay ng mga sources and pictures

    ReplyDelete
  5. Magaling! Naihayag ng malinaw ang blog, maayos ang pagkakagawa. Naiparating nito ng malinaw ang mensahe at nakapagbigay ito ng impormasyon.

    ReplyDelete
  6. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  7. Malinaw yung pagkaka explain ng mga nangyari and naiintidhan siya ng madali, mas magiging interesting to kung may mga video na inilabas at mga picture tas may source

    ReplyDelete
  8. Ok naman maayos at malinaw naman yung pag eexplain sa mga nangyari, mas ok siguro kung may mga pictures talaga and vid tyaka yung source

    ReplyDelete
  9. Maganda ang impormasyon na nakalagay, pero mas maayos kung ipinaliwanag ito ng mabuti.

    ReplyDelete
  10. Simple pero ang daming impormasyon! Malaking tulong ang ganitong klase ng content na direct to the point.

    ReplyDelete
  11. malinaw naman ang pagkaka paliwanag at naiintindihan subalit mas magiging malinaw ito kung maglalagay kapa ng iba pang inpormasyon

    ReplyDelete
  12. Mahusay ang pagkakagawa, pero napasimple ng kaonti. Sana mas nagdagdag pa ng information para mas nakakahikayat basahin.

    ReplyDelete
  13. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  14. Mahalaga ang pananagutan sa usapin ng EJK, ngunit mas dapat pagtuunan ng pansin ang hustisya at reporma kaysa bangayan.

    ReplyDelete
  15. Napaka-detailed ng pagkakasulat at lahat ng aspeto ay covered. Very helpful!

    ReplyDelete
  16. Ang iyong essay ay maayos ang daloy ng mga ideya. Madaling sundan ang bawat punto at malinaw ang iyong mga paliwanag.

    ReplyDelete
  17. nagustuhan ko ang impormasyon na nilalaman ng iyong blog. Sa aking palagay mas maiintindihan or mas malilinawan pa ang mambabasa kung mag lalagay ng link na video.

    ReplyDelete
  18. Mahusay ang iyong pagkakagawa. Ipinakita mo kung bakit importante ang paggamit ng tamang wika sa larangan at usaping pulitika. Nagustuhan ko rin ang pagbibigay mo ng mga pahayag at batas kung saan naipakita ang pagpapahalaga sa ating Wikang Filipino

    ReplyDelete
  19. Maayos naman naipaliwanag ng blog ang tungkol sa senate hearing pero mas maayos itong maipapaliwanag kung dadagdagan ang mga detalye tungkol sa senate hearing.

    ReplyDelete
  20. Maganda at maayus Ang blog na ito ngunit kailngan pang pahapyawan Ang mga detalye.

    ReplyDelete
  21. may nailahad naman na mga impormasyon tungkol kay Ex president Rodrigo Duterte at Senator Risa Hontiveros ngunit kulang ang mga impormasyon

    ReplyDelete
  22. Maayos naman ang pagpapaliwanag, siguro mas mag-iimprove pa ito kung magdagdag ng halimbawa, ayusin ang mga nilalaman, at magbigay ng mga picture or source para mas madaling maunawaan.

    ReplyDelete
  23. Mahusay, ang ganda ng iyong gawa ito ay napaka daling intindihin at sigurado ako na naiintindihan din dito ng lahat.

    ReplyDelete
  24. maayos ang blog na ito ngunit sana mas dagdagan pa ang impormasyon para mas nakakahikayat basahin.

    ReplyDelete
  25. Nakapalahalaga talaga na maunawaan natin ang sarili nating wika

    ReplyDelete
  26. maganda naman ang blog at naipapaliwanag ng maayos, pero mas maganda sana kung hahabaan pa next time

    ReplyDelete
  27. napakaganda ng iyong blog dahil naiibagi mo ito sa mga tao

    ReplyDelete
  28. Ang mga tanong ni Senador Hontiveros ay nagpapakita ng pangangailangan para sa pananagutan sa kampanya kontra droga. Mahusay, ang kontrobersyal na pahayag ni dating Pangulong Duterte na mas pipiliin niyang patayin ang mga adik kaysa gastusan ang mga ito ay nagbubukas ng debate tungkol sa karapatan at hustisya. Mahalagang tiyakin na ang bawat isa, mayaman man o mahirap, ay may patas na proteksyon sa ilalim ng batas.

    ReplyDelete

Post a Comment